Nakabalik na ng Pilipinas Miyerkules ng gabi ang pinalayas na ambassador ng Pilipinas sa Kuwait na si Renato Villa.
Matatandaang binigyan lamang ng isang linggo ang envoy upang lisanin ang naturang Gulf country at idineklara rin ng Kuwaiti government bilang persona non grata.
Ang naturang desisyon ay ipinatupad ng gobyerno ng Kuwait matapos ang pagkalat sa social media ng video ng embassy staff sa pagrescue sa Filipino domestic workers sa naturang bansa.
Ang naturang aksyon ng embahada ay ikinagalit ng Kuwaiti government.
Sinalubong ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano si Villa sa pagdating nito sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 1.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.