Pulse Asia: Mas maraming Pinoy ayaw sa federalism

By Den Macaranas May 02, 2018 - 04:50 PM

 

Inquirer file photo

Mayorya ng mga Pinoy ang hindi payag na bagugin ang kasalukuyang porma ng pamahalaan ayon sa isinagawang survey ng Pulse Asia.

Sa survey na ginawa sa pagitan ng March 23-28, lumilitaw na 66 percent ng mga respondents ang nagsabi na pabor sila sa kasalukuyang uri ng gobyerno tutol sila sa isinusulong na federalism.

Umaabot naman sa 36 percent ng kanilang respondents ang nagsabi na hindi sila pabor na palitan ang porma ng pamahalaan sa kahit anong sistema.

Samantala, umaabot naman sa 30 percent ng respondents na hindi pa napapanahon ang federalism pero pwede itong gawin sa ibang panahon.

Ang nasabing Pulse Asia nationwide survey ay gumamit ng 1,200 repondents na pawang may mga edad 18-anyos pataas.

Meron itong +/- 3 percent margin of error at 95 percent na confidence level.

Ipinapakita rin sa Pulse Asia survey na 40 percent ng mga taga-Mindanao ang hindi pabor sa amyenda sa Saligang Batas samantalang 34 percent naman ang hindi hindi rin payag sa charter change para sa mga taga Metro Manila.

Umaabot naman sa 70 percent ng mga respondents ang nagsabi na hindi nila naiintindihan ang federalism at 29 ang nagsabi na kakaunti lamang ang kanilang pagkaunawa sa isyu.

Sa kabuuan, umaabot sa 64 percent ang nagsabi na hindi dapat baguhin ang mga nilalaman ng 1987 Philippine Constitution.

 

 

 

 

 

 

TAGS: charter change, federalism, pulse asia, survey, SWS, charter change, federalism, pulse asia, survey, SWS

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.