Coast Guard Hospital Bill lusot na sa komite sa Kamara
Inaprubahan ng komite ang House Bill 6090 na naglalayong magtayo ng Coast Guard Hospital para sa mas maayos, affordable at de kalidad na medical attention sa mga tauhan ng PCG at kanilang mga dependents.
Nakasaad sa panukala na itatayo ang PCGGH sa Coast Guard Base sa Taguig City kung saan magkakaroon ng package para sa health care program ng PCG personnel at kanilang mga mahal sa buhay.
Kabilang sa nasabing medical package ang preventive, promotive, diagnostic, curative at rehabilitative programs.
Layunin din ng nasabing panukala na bigyan ng mandato ang PCGGH na magsagawa ng medical examination sa lahat ng coast guard trainees para masiguri ang kanilang physical and mental capability.
Ang PCGGH ay pangangasiwaan ng mga board of directors kabilang ang kalihim n Department of Health bilang ex-officio chairperson, kalihim ng Department of Transportation bilang vice chairperson.
Kasama rin sa board ang commandant ng PCG, deputy nito at Command Surgeon of the PCG Medical Services.
Mangangailangan ng P400 Million pondo para sa pagpapatayo at inisyal na operasyon ng ospital.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.