DBM, maglalabas ng P490M para sa rehabilitasyon ng Boracay
Maglalabas ang Department of Budget and Management ng dagdag na P490 milyon ngayong linggo para pondohan ang rehabilitasyon sa isla ng Boracay.
Ayon sa DBM, gagamitin ito para sa Boracay circumferential road, at para sa pagsasaayos ng drainafe, sewerage at flood control systems.
Una nang naglabas ng P448 milyon ang kagawaran para sa 17,735 manggagawa na apektado ng pagsasara ng isla.
Isinara ang Boracay mula noong April 26 para isailalim sa rehabilitasyon mula sa pagkasira ng kalikasan sa isla.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.