PDEA, nanindigan na tama ang inilabas nilang narco-list

By Mark Makalalad May 02, 2018 - 10:54 AM

Nanindigan ang Philippine Drug Enforcement Agency sa inilabas nilang narco list ng mga barangay official.

Ito’y sa kabila ng batikos na wala itong due process at hindi tama ang lahat ng mga nasa listahan nila.

Giit ni PDEA Spokesperson Derrick Carreon, validated ang listahan ng PDEA, PNP, NICA at ISAFP.

Bukod dito ay nakakuha rin umano sila ng input mula sa kanilang mga Regional Offices patunay na hindi sila naging barabara sa paglalabas nito.

Paliwanag pa nya, 293 ang inisyal na bilang ng nasa narco-list pero bumaba ito 207 noong isiniwalat na ito.

Samantala, kanya namang sinabi na kung may mga mali sa pangalan na nasama narco-list ay kanila itong rerebyuhin.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: narco list, PDEA, PNP, Radyo Inquirer, narco list, PDEA, PNP, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.