Parusa sa magkakapatid na pulis na nasibak dahil sa viral video, dapat magsilbing babala sa hanay ng pulisya

By Mark Makalalad May 02, 2018 - 08:24 AM

Dapat kapulutan ang aral ang nangyaring parusa sa tatlong magkakapatid na pulis na nag-viral sa social media.

Ito ang babala ni Philippine National Police Chief Oscar Albayalde sa kanilang hanay matapos nyang ipasibak sina PO3 Ralph Soriano ng Northern Police District; PO1 Rendel Soriano ng Caloocan Police; at PO1 Reniel Soriano ng Drug Enforcement Group.

Ayon kay Albayalde, dapat kakitaan ng disiplina ang mga pulis at dapat maging numero unong huwaran sa pagsunod sa batas.

Nabatid na sa viral video, nakuhanan ang mga pulis na nasa harapan ng isang bahay, na nakikipagdiskusyunan sa mga kamag-anak ng taong hinahanap nila.

Bagamat mahinahon naman ang pakikipagusap ng mga pulis sa video, mapapansin ang umbok ng baril sa kanilang baywang sa ilalim ng kanilang kasootang sibilyan.

Nasampahan na ng reklamo ang tatlong pulis ng grave threats, oral defamation at alarm and scandal. Bukod dito, mabaharap din sila sa paglabag sa omnibus election code.

Giit ni Albayalde, tanging mga unipormadong pulis at sundalo at mga autorisadong ahente ng gubyerno ang may pahintulot na magdala ng armas sa labas ng tahanan kaya naman kung may lalabag dito ay hindi nila palulusutin.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: PO1 Rendel Soriano, PO1 Reniel Soriano, PO3 Ralph Soriano, Radyo Inquirer, PO1 Rendel Soriano, PO1 Reniel Soriano, PO3 Ralph Soriano, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.