39 na dating drug dependents nagtapos sa 6 na buwang rehab program sa Maynila
39 na mga dating nalulong sa paggamit ng iligal na droga ang nakapagtapos ng anim na buwang Rehabilitation program sa ilalim ng programang “Sagip Buhay, Sagip Pangarap ng Manila Treatment Rehabilitation Center”.
Dahil dito ay muling iginiit ni Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada ang kanyang determinasyon na puksain ang illegal drugs sa Lungsod ng Maynila.
Mismong ang alkalde ang nag-abot certificate of completion sa unang batch ng mga dating nalulong sa droga sa aktibidad na isinagawa sa Bulwagan ng Manila City Hall.
Kasabay nito ay hinimok ng alkalde ang mga kabataan na mamuhay ng malusog at iwaksi ang ipinagbabawal na gamot.
Ang drug rehabilitation program ay pinangungunahan ni Dr. Benjamin Yson, ang namumuno sa Manila City Health Department na nagbahagi sa mga kabataan ng kaalaman hinggil sa masamang epekto ng droga at labis na pagkahumaling sa alak.
Sabi ni Estrada na suportado niya ang kampanya laban sa droga ni Pangulong Rodrigo Duterte na ayon sa kanya ay seryosong suliranin ng estado sa mga kabataan na susunod na mga magiging lider ng bansa.
Umapela naman ang alkalde sa publiko na makipagtulungan para sugpuin ang problema sa droga na ugat ng kriminalidad.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.