1 hanggang 2 bagyo posibleng pumasok sa bansa ngayong buwan

By Donabelle Dominguez-Cargullo May 02, 2018 - 07:49 AM

Kahit matindi ang init ng panahon sinabi ng PAGASA na posibleng mayroon nang bagyo na papasok sa bansa ngayong buwan.

Ayon kay Ana Liza Solis, OIC ng Climate Monitoring and Prediction Section ng PAGASA, base sa datos ng weather bureau kapag buwan ng Mayo 1 hanggang 2 bagyo ang naitatala na pumapasok sa Philippine Area of Responsibility.

At kahit mananatili aniyang mainit ang panahon sa bansa, mas mapapadalas naman ang mararanasang mga pag-ulan.

Partikular na makararanas ng mas madalas na pag-ulan ang western section ng Luzon ani Solis.

Ayon pa sa PAGASA, maari hindi na makaranas ng La Niña sa bansa ngayong taon.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Pagasa, Radyo Inquirer, rains, tropical cyclones, weather, Pagasa, Radyo Inquirer, rains, tropical cyclones, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.