3 hinihinalang miyembro ng gun for hire, patay sa engkwentro sa QC

By Donabelle Dominguez-Cargullo May 02, 2018 - 06:50 AM

Police banner

Patay ang tatlong hinihinalang miyembro ng gun for hire group makaraang maka- engkwentro ang mga pulis sa Payatas, Quezon City.

Sa inisyal na report mula sa QCPD, nakarating sa kanila ang impormasyon hinggil sa plano ng apat na hinihinalang hitman na targetin ang kanilang bibiktimahin sa lungsod.

Agad na kumilos ang mga tauhan ng QCPD City Hall Special Traffic Action Group (STAG) para maharang ang plano ng grupo.

Alas 2:10 ng madaling araw kanina nang mamataan ang apat na lalaking sakay ng motorsiklo sa isinasagawang Oplan Sita sa kahabaan ng Payatas Road, Brgy. Payatas B.

Nang papalapit na sa checkpoint, humarurot ang dalawang motorsiklo at pinaputukan ang mga otoridad.

Agad namang gumanti ng putok ang mga pulis dahilan para masawi ang tatlo sa mga suspek habang ang isa ay nasugatan at ginagamot sa ospital.

Nakuha sa kanila ang tatlong baril at ang ginamit nilang dalawang motorsiklo.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Gun for hire, quezon city, Radyo Inquirer, Gun for hire, quezon city, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.