DepEd, wala pang planong baguhin ang buwan ng pasukan
Nanindigan ang Department of Education (DepEd) na panatilihin sa buwan ng Hunyo ang pagbubukas ng klase para sa taong panuruan 2018-2019.
Sinabi ni DepEd Sec. Leonor Briones na sa ngayon ay wala pang plano ang kagawaran na baguhin ang academic calendar sa kabila ng mga panukala.
Sa ngayon anya ay nananatiling Hunyo ang pinaka-‘ideal’ na buwan sa pagbubukas ng klase sa mga pampublikong paaralan.
Ipinaliwanag ng kalihim na sakaling sa Agosto sisimulan ang klase ay matatapos ito sa mga buwan ng tag-init at hindi ito angkop sa mga silid-paaralan sa mga pampublikong paaralan kaya’t magiging kawawa lamang ang mga estudyante.
Samantala, binigyan naman ang mga private schools ng hanggang August 4, 2018 para magbukas ng kanilang klase.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.