EO ng pangulo hindi papogi ayon sa Malacañan

By Len Montaño May 02, 2018 - 04:15 AM

Kinuwestyon ng Malacañan ang sentimyento ng mga labor groups kaugnay ng executive order ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa endo, partikular ang illegal contracting at subcontracting.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, nagrereklamo na ang labor groups gayung hindi pa nila nababasa ang EO kaya saan anya nanggagaling ang hugot nila laban sa gobyerno.

Malinaw aniya ang pinirmahan ng pangulo na ang pagbabawal sa contractualization ay dahil labag ito sa security of tenure ng manggagawa.

Giit ng opisyal, ang EO ay hindi pagpapapogi ng pangulo kundi pagpapatupad ng batas.

Ang EO aniya ay resulta ng konsultasyon sa pagitan ng Department of Labor and Employment (DOLE) at labor groups, bagay na pagtupad umano sa pangako ng pangulo sa mga manggagawa.

Pahayag ito ng Palasyo matapos sabihin ang ilang labor groups na hindi katanggap tanggap ang EO dahil hindi umano sila sigurado kung kasama ang kanilang mga panukala sa inaprubahan ng pangulo.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.