Mga casual employees ng pamahalaan nakiisa sa kilos protesta kontra endo
Maging ang mga empleyado ng pamahalaan ay nakiisa sa ikinasang kilos protesta sa Mendiola, Maynila kahapon bilang paggunita sa Araw ng Paggawa.
Partikular na dumalo ang mga casual employees ng gobyerno na kagaya ng mga contractual employees ng pribadong sektor ay wala ring security of tenure.
Ayon kay COURAGE national president Ferdinant Gaite, dismayado sila dahil maging sa loob ng pamahalaan ay nagpapatuloy pa rin ang kontraktwaluisasyon at hindi ito masolusyunan ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Aniya, batay sa datos ay nasa 720,000 na mga manggagawa sa gobyerno ang tinatawag na casual employees. Habang nasa 2.3 milyon mga manggagawa naman ang walang matamasang benepisyo.
Samantala, aminado naman si Senador Joel Villanueva na siya ring Labor Committee chair na hindi napag-uusapan ang tungkol sa endo para sa mga empleyado ng pamahalaan. Kaya naman hinimok niya ang mga kasamahang mambabatas na suportahan ang Security of Tenure for Government Employees Bill.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.