Pagpapalabas ng barangay narco-list tinira ng mga senador
Binatikos ng ilang mga senador ang pagsasapubliko ng Philippine Durg Enforcement Agency (PDEA) ng listahan ng higit sa 200 barangay officials na sinasabing sangkot sa kalakaran ng droga.
Sinabi ni Senador Gringo Honasan na kung may sapat na ebidensiya, dapat ay sinampahan na lang ng mga kaso ang mga barangay chairpersons at kagawad na sinasabing drug users, drug pushers, drug protectors, at drug lords.
Aniya paglabag sa karapatan ng mga opisyal ng barangay ang naging hakbang ng PDEA at sila ay sasalang lamang sa trial by publicity.
Ayon naman kay Senador Ping Lacson, ang intelligence reports ay maaring magamit na sa paghahain ng mga kaso at hindi para sa isang shame campaign.
Para naman kay Senador Win Gatchalian mistulang ipinako na ang mga opisyal sa listahan nang hindi sumasailalim sa tamang proseso.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.