Binasag na ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte ang kanyang ilang araw na pananahimik makaraang niyang i-anunsyo kanina na hindi siya tatakbo sa 2016 Presidential Elections.
Sa pahayag na binasa ni Duterte kanyang sinabi, “I am sorry to disappoint those who spent much and worked hard and long in support of me as I went around the country espousing the benefits and advantages of federalism.
“I therefore beg for everyone’s kind understanding and acceptance of my sincerest apololgies, Afterall, there was no ambition for me to aspire for presidency”.
Nauna dito ay inihayag ng kampo ng Davao City Mayor na sa October 15 siya maglalabas ng desisyon kaugnay sa kanyang mga plano para sa 2016.
Sa ginanap na presscon sa Davao City, Sinabi ni Duterte na kung bukas siya sa option na mag-retiro na sa pulitika kapag tumakbong alkalde ang kanyang anak na si Inday Sarah pero bukas rin siya para sa isa pang termino bilang Mayor.
Tumanggi nang tumanggap ng mga tanong mula sa media si Duterte dahil nasa binasa na niyang press release ang kabuuan ng kanyang mga gustong sabihin.
Tumanngi ring magbigay ng pahayag ang ilan sa kanyang mga kaanak na kasama sa pulong-balitaan na ginanap sa Davao City.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.