Seguridad sa Malakanyang hinigpitan dahil sa banta; ilang miyembro ng media hindi pinapasok

By Chona Yu May 01, 2018 - 12:35 PM

Kuha ni Chona Yu

Kasabay ng ikinasang malawakang kilos protesta ng iba’t ibang labor group sa Mendiola, Maynila sa Labor Day, agad na naghigpit ng seguridad ang Presidential Security Group (PSG) sa palibot ng Malacañang Complex.

Sa bahagi ng Aguado at kahabaan ng JP Laurel, pinagbabawalan nang makapasok ang mga sasakyan na walang vehicle pass.

Maging ang ilang marked vehicle ng media kagaya ng government owned na PTV 4 ay hindi rin pinayagan ng PSG na makabaspok sa New Executive Building kung saan naroon ang Press Working Area.

Kapansin-pansin na bukod sa mga PSG, ilang mga pulis at sundalo ang nakaposte rin sa gate 2 ng Malakanyang Complex.

Pero ayon kay PSG Brigadier General Lope Dagoy, nagkaroon lamang ng misunderstanding sa kanyang mga tauhan.

Noong Lunes pa kasi aniya nagdeklara ng red alert status ang PSG sa buong Malacañang Complex dahil sa namonitor na banta.

Sinisiguro lang aniya ng kanilang hanay na secure ang mga gusali sa Malakanyang.

Ayon kay Dagoy, naging paranoid lang aniya ang kanyang mga sundalo kung kaya naniguro lamang sila.

Sa panig ni PSG Chief for Operations Potencio Camba, sinabi nito na kinailangan pang makipag-ugnayan ang kanilang hanay sa Presidential Communications Operations Office.

Agad namang humingi ng paumanhin si Camba at pinapasok na rin sa Malacañang complex ang mga naharang na media.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Malacanan Palace, PSG, Radyo Inquirer, Malacanan Palace, PSG, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.