EO kontra ‘endo’ nilagdaan na ni Pangulong Duterte

By Donabelle Dominguez-Cargullo May 01, 2018 - 10:49 AM

CDN PHOTO

Nilagdaan na ngayong araw ni Pangulong Rodrigo Duterte ang executive order kontra ‘endo’ o end of contract.

Sa talumpati ng pangulo sa 116th Labor Day celebration sa Cebu City, sinabi ng pangulo na hindi niya pinirmihan kagabi o kanina ang EO dahil gusto niyo itong lagdaan ito sa harap ng mga manggagawa.

Nakasaad aniya sa batas na ilegal ang contracting at subcontracting ng mga manggagawa, may due process kung tatanggalin man sa serbisyo.

Bagamat nilagdaan na ng pangulo ang EO kontra ‘endo’ hindi ito sapat para sa punong ehekutibo.

Kinakailangan aniya na amendyahan ang labor code.

Kung hindi man aamyendahan, hinimok ng pangulo ang mga mambabatas na bumalangkas ng bagong batas na maka-aagapay sa pangangailangan ngayon ng mga manggawa.

Inatasan din ng pangulo ang labor department na magsumite sa kanyang tanggapan ng mga pasaway na employer.

Nagbabala pa ang pangulo na pupugutan ng ulo ang mga abusadong employer.

Sinabi pa ng pangulo na nagbabala na siya noon sa mga employer subalit hindi pa rin sumusunod, kaya ang ngayon ay bilang na aniya ang kanilang mga araw.

Pinipilit aniya ngayon ng administrasyon na makapaglatag ng long term solution para matuldukan ang ‘endo’.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Cebu City, executive order vs endo, Labor Day celebration, Radyo Inquirer, Rodrigo Duterte, Cebu City, executive order vs endo, Labor Day celebration, Radyo Inquirer, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.