DFA tiwalang malalampasan ang gusot sa pagitan ng Pilipinas at Kuwait

By Rohanisa Abbas May 01, 2018 - 10:26 AM

Ipinapakita ng Kuwait na handa itong ayusin ang gusot sa Pilipinas sa gitna ng usapin ng overseas Filipino workers sa naturang Gulf state, ayon kay Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano.

Ipinahayag ni Cayetano na tiwala siya na malalampasan ng dalawang bansang matatag ang ugnayan ang pagsubok na ito.

Sinabi rin ng kalihim na kinikilala ng Pilipinas ang pagtitiyak ng Kuwait sa proteksyon ng OFWs.

Aniya, dalawang bansa sa layuning intindihin at igalang ang isa’t isa.

Una nang ipinahayag ni Kuwaiti Deputy Foreign Minister Nasser al-Subaih na hindi nanaisin ng Kuwait na lumala pa ang gusot nito sa Pilipinas.

Sinabi ni Subaih na nais ng Gulf state na patuloy na direktang makipag-usap sa bansa para tugunan ang usapin.

Matatandaang pinabalik sa Kuwait ang ambassador nito sa PIlipinas, at pinalayas Philippine Ambassador to Kuwait Renato Villa.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Alan Cayetano, DFA, kuwait, Radyo Inquirer, Alan Cayetano, DFA, kuwait, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.