Unang araw ng Mayo, sinalubong ng pagtaas sa presyo ng LPG at produktong petrolyo

By Donabelle Dominguez-Cargullo May 01, 2018 - 06:29 AM

LPG | Inquirer File Photo

Sinalubong ng dagdag presyo sa Liquified Petroleum Gas o LPG ang unang araw ng Mayo.

Sa abiso ng Petron epektibo alas 12:01 ng madaling araw kanina nagpatupad sila ng dagdag na P1.90 sa kanilang LPG.

Katumbas ito ng mahigit P20 na dagdag presyo sa bawat 11-kilogram cylinder ng cooking gas.

Samantala, sa kasabay ding oras nagpatupad ang Petron ng dagdag na na P1.05 sa kanilang autoLPG.

Nagtaas din ng presyo ang mga kumpanya ng langis sa kanilang produktong petrolyo.

Epektibo alas-6:00 ng umaga ipinatupad ng mga kumpanya ng langis ang P0.70 increase para sa kada litro ng diesel, P0.85 para sa halaga ng bawat litro ng gasolina, at P0.70 para naman sa bawat litro ng kerosene.

Kabilang sa mga kumpanya ng langis na magpapatupad ng nasabing oil price adjustment ang Eastern Petroleum, Flying V, Jetti, Petron, Pilipinas Shell, Phoenix Petroleum, PTT, Seaoil, Total, at Unioil.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: LPG, LPG Price, oilprice hike, Petron, Radyo Inquirer, LPG, LPG Price, oilprice hike, Petron, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.