Oil price hike, epektibo na ngayong araw

By Justinne Punsalang May 01, 2018 - 04:28 AM

Kasado na ang muling pagtataas ng mga kumpanya ng langis sa halaga ng mga produktong petrolyo ngayong araw.

Epektibo alas-6 ng umaga ngayong araw ay ipapatupad na ng mga kumpanya ng langis ang P0.70 increase para sa kada litro ng diesel, P0.85 para sa halaga ng bawat litro ng gasolina, at P0.70 para naman sa bawat litro ng kerosene.

Kabilang sa mga kumpanya ng langis na magpapatupad ng nasabing oil price adjustment ang Eastern Petroleum, Flying V, Jetti, Petron, Pilipinas Shell, Phoenix Petroleum, PTT, SeaOil, Total, at Unioil.

Ito na ang ikaapat na sunod na linggo na nagpatupad ang mga oil companies ng dagdag-singil sa kanilang mga petroleum products.

Simula nang ipatupad ang TRAIN law kung saan nagkaroon ng mas mataas na excise tax ang mga produktong petrolyo noong January 1, 2018 ay P8.05 kada litro na ang itinaas sa halaga ng diesel, P7.27 naman ang sa gasolina, at P8.86 sa bawat litro ng kerosene.

Samantala, kaninang alas-12 ng madaling araw ay nagpatupad pagtataas sa halaga ng AutoLPG ang kumpanyang Petron. Batay sa abisong inilabas ng nasabing kumpanya, nadagdagan ng P1.05 kada litro ang kanilang AutoLPG.

TAGS: oil, price hike, oil, price hike

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.