10,000 pulis, ipakakalat sa Metro Manila para sa Labor Day

By Justinne Punsalang May 01, 2018 - 04:15 AM

Alas-5 pa lamang ng umaga ng May 1 ay magsisimula nang ipakalat ang nasa 10,000 mga pulis sa kalakhang Maynila bilang paghahanda sa mga ikakasang kilos protesta ng mga militanteng grupo para sa Labor Day.

Mula sa nasabing bilang, 2,000 mga pulis ang manggagaling sa Manila Police District (MPD). Kabilang sa mga babantayan ng mga pulissa Maynila ang US Embassy, Mendiola, himpilan ng Department of Labor and Employment (DOLE), at Liwasang Bonifacio.

Ayon sa MPD, inaasahan nilang nasa 8,000 mga raliyesta ang dadalo sa mga kilos protesta sa Maynila.

Katulad ng mga nakaraang mga isinagawang kilos protesta ay magpapatupad ang mga pulis ng maximum tolerance.

Samantala, tiniyak ni Philippine National Polcie (PNP) chief, Director General Oscar Albayalde na nakahanda ang buong hanay ng mga pulis para sa mga isasagawang rally dahil taun-taon naman aniya itong nagaganap.

TAGS: DOLE, Manila Police District, may 1, MPD, DOLE, Manila Police District, may 1, MPD

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.