Kalahati ng Boracay island isasailalim sa agrarian reform program
Mahigit sa 40 porsiento ng Boracay island ang maaaring ipamahagi sa mga benepisyaryo ng agrarian reform kapag itinuloy ng gobyerno ang planong land reform sa isla.
Batay sa datos ng Department of Agrarian Reform (DAR), umaabot sa 408,5113 ektarya ng agricultural land ng kabuuang 1,006.64 ektarya ng Boracay ang sakop ng land reform.
Ayon sa DAR, tinukoy ito sa isinagawang ocular inspection sa isla noong nakaraang linggo.
Ipinahayag naman ni DAR Secretary John Castriciones na wala pang marching orders si Pangulong Rodrigo Duterte kung ipamamahagi ang lupa sa mga benepisyaryo ng agrarian reform.
Matatandaang sinabi ni Duterte na isasailalim niya sa land reform ang Boracay oras na matapos na ang anim na buwang rehibilitasyon nito.
Sa ilalim ng Proclamation 1064 ni dating pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ay hinati ang isla kung saan 628.86 ektarya nito ay agricultural land habang ang 377.68 ektarya nito ay forest land.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.