Website ng CHED nagkaproblema

By Donabelle Dominguez-Cargullo April 30, 2018 - 12:26 PM

Nagkaroon ng problema ang website ng Commission on Higher Education (CHED) na www.ched.gov.ph.

Sa abiso ng CHED, alas 8:19 ng umaga hindi ma-access ang kanilang website dahil sa technical problems.

Hindi naman tinukoy ng CHED kung ano ang naging dahilan ng pagkasira ng website.

Humingi rin ito ng paumanhin sa mga naapektuhan ng problema.

Ayon sa CHED, agad tinugunan ng kanilang hosting provider ang problema.

Pagsapit naman ng pasado alas 12:00 ng tanghali ay na-aaccess nang muli ang website ng CHED.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: advisory, CHED, ched website, Radyo Inquirer, website, advisory, CHED, ched website, Radyo Inquirer, website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.