Pinatay na pari sa Cagayan, walang kaaway at wala ring natatanggap na banta sa buhay

By Rohanisa Abbas April 30, 2018 - 11:49 AM

Blangko pa rin ang pulisya sa motibo ng pamamaril kay Father Mark Ventura, parish priest ng San Isidro Labrador sa Gattaran, Cagayan.

Ayon kay Gattaran police director Chief Insp. Rodel Tabulog, batay sa paunang imbestigasyon, walang kaaway o natanggap na banta sa buhay si Ventura.

Aniya, sinabi ng mga kanilang nakapanayam na mabait ang pari.

Dagdag ni Tabulog, inaalam pa rin ang pagkakakilanlan ng suspek.

Sinisilip din ng pulisya kung may ugnayan ang mga dating gawain at trabaho ni Ventura, gaya nang pagiging direktor nito sa isang paaralan.

Si Ventura ay tinambangan matapos ang kanyang misa. Kilala ang pari sa kanyang adbokasiya kontra pagmumuna at pagtulong sa indigenous peoples.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: ambush, Cagayan priest, Father Mark Ventura, Murder, PNP, ambush, Cagayan priest, Father Mark Ventura, Murder, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.