Lahat ng Asec. at Usec. ng DOJ, pinagsusumite ng resignation ni Justice Secretary Menardo Guevarra
Inatasan ni Justice Sec. Menardo Guevarra ang lahat ng undersecretaries at assistant secretaries ng Department of Justice (DOJ) na maghain ng kanilang courtesy resignation.
Ang memorandum ay nilagdaan ni Guevarra noon pang April 24, 2018 pero ngayon lamang inilabas sa mga mamamahayag.
Ang lahat ng undersecretaries at assistant secretaries ay binigyan lang ng hanggang ngayong araw, April 30, para isumite ang resignation nila kay Pangulong Duterte.
Hindi naman kasama sa pinaghahain ng resignation ang mga career officials.
Sa sandaling sila ay makapaghain na ng resignation, mananatili sa pwesto ang lahat ng opisyal hangga’t wala pang aksyon si Pangulong Duterte sa klanilang isusumiteng courtesy resignations.
Ito ay para mabigyan ng free hand ang bagong Justice Secretary na mamili ng kanyang makakatrabaho sa Kagawaran bilang mga Usec. at Asec.
Sa record ng kagawaran, mayroong limang undersecretaries at anim na assistant secretaries ang naitalaga sa pwesto ni dating Justice Sec. Vitaliano Aguirre. Kabilang sa mga naging Undersecretaries ni Aguirre sina Usec. Erickson Balmes, Raymund Mecate, Reynante Orceo, Deo Marco at Antonio Kho Jr.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.