Southern Mindanao apektado pa rin ng ITCZ; easterlies umiiral sa nalalabing bahagi ng bansa
Apektado pa rin ng inter tropical convergence zone ang Southern part ng Mindanao habang easterlies naman ang umiiral sa nalalabi pang bahagi ng bansa.
Ayon kay PAGASA Weather Specialist Shelly Ignacio, ang ITCZ ay makapagpapaulan sa Zamboanga Peninsula at ARMM ngayong araw.
Magiging maganda naman ang panahon sa nalalabi pang bahagi ng Mindanao.
Ang Metro Manila, buong Luzon at Visayas ay makararanas ng maaliwalas at mainit na panahon ngayong araw at magkakaroon lamang ng isolated na mga pag-ulan sa hapon o gabi.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.