Paghahain ng mga partylist ng Manifestation of Intent para sa May 2019 elections, pinalawig ng Comelec
Mayroong hanggang May 2 ang mga party-list groups na maghain ng kanilang Manifestation of Intent upang makasali sa 2019 midterm elections.
Hanggang ngayong araw na lamang dapat ang filing ng ‘Petitions for Registration’ and ‘Manifestation of Intent to Participate’ ng mga bagong party-lists, grupo at coalition.
Gayunman, sa pamamagitan ng isang resolusyon sy pinalawig ng poll body ang deadline ng dalawa pang araw.
Sa nakalipas na 2016 presidential elections, kabuuang 115 ang bilang ng party-list groups na pinayagang makilahok.
Sa ngayon ay 46 sa kabuuang bilang na ito ang may 59 na party-lists representatives sa Mababang Kapulungan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.