Mas mainit na panahon asahan ngayong Mayo – PAGASA
Nagbabala ang Pagasa sa publiko sa malaking posibilidad ng heat stroke at iba pang mga kahalintulad na sakit dahil sa inaasahang mas mainit na panahon ngayong buwan ng Mayo.
Ayon kay Pagasa Climate Monitoring and Prediction Section officer-in-charge Ana Liza Solis, mas magiging mainit ang panahon sa Mayo at hindi pa anya nararanasan ang pinakamalalang init ng panahon sa ngayon.
Anya, aabot ang forecast maximum temperature sa Northern Luzon sa buwan ng Mayo sa 39.6 degrees Celsius.
Dahil dito nag-abiso si Solis sa publiko na uminom ng mas maraming tubig at magsuot ng mga damit na may light colors ngayong tag-init.
Samantala, inaasahan ng weather bureau ang normal na pagsisimula ng tag-ulan ngayong taon.
Nasa isa o dalawang bagyo ang inaasahang papasok sa bansa sa buwan ng Mayo at ang pagpasok ng bagyo ay maaari umanong maging dahilan ng pagpasok ng tag-ulan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.