Ilang barangay sa Batangas kulang sa SK candidates
Nababahala ang Commission on Elections (COMELEC) sa Batangas dahil sa kakulangan ng mga kakandidato para sa Sangguniang Kabataan election sa May 14.
Batay sa datos na hawak ng COMELEC Batangas, limang barangay ang walang kandidato para sa SK chairman, habang 16 naman ang walang kandidato para sa SK kagawad.
Partikular na walang mga kandidato para sa SK chairman ang mga barangay:
- Barangay 16, Batangas City
- Barangay San Pablo, Bauan
- Barangay San Juan, Mabini
- Barangay Pook Kapitan, San Pascual
- Barangay San Juan, Tingloy
Samantala, ang mga barangay naman na walang kandidato para sa SK kagawad ay ang:
- Barangay 7 Poblacion, Batangas City
- Barangay 16 Poblacion, Batangas City
- Barangay Mahacot, Batangas City
- Barangay San Miguel, Batangas City
- Barangay Silangan, Batangas City
- Barangay San Pablo, Bauan
- Barangay Poblacion 4, Calatagan
- Barangay Apar, Lobo
- Barangay Calo, Lobo
- Barangay Lagadlarin, Lobo
- Barangay Pinaghawanan, Lobo
- Barangay San Juan, Mabini
- Barangay Mabalanoy, San Juan
- Barangay Bihis, Taal
- Barangay Poblacion 2, Taal
- Barangay San Juan, Tingloy
Ayon kay Batangas Election Supervisor Atty. Gloria Petallo, ito ang unang beses nilang naranasan na mayroong mga barangay na walang kandidato para sa SK.
Aniya, hindi pa malinaw kung ano ang gagawin ng Department of Interior and Local Government (DILG) tungkol sa isyu dahil tiyak na hindi maaaring mapalawig pa ang termino ng mga incumbent SK officials.
Ayon pa kay Petallo, napansin rin nila na mayroong mga barangay na iisa lamang ang kumandidato para sa posisyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.