Barangay narco-list hindi pa oras para ilabas — Pangulong Duterte

By Justinne Punsalang April 29, 2018 - 05:28 PM

Isang araw bago ilabas ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang listahan ng mga barangay officials na sangkot sa kalakaran ng iligal na droga ay sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi pa ito ang tamang panahon para ilabas ang nasbing listahan.

Sa press briefing ng pangulo pagkabalik niya ng bansa mula sa Singapore ay sinabi nito na hindi pa oras para isiwalat ang barangay narco-list.

Matatandaang una nang sinabi ng PDEA na bukas, araw ng Lunes, April 30, ay ilalabas na nila ang listahan kung saan nasa 211 mga barangay officials ang sinasabing gumagamit at nagtutulak ng iligal na droga, o protektor ng mga drug pusher.

Ayon kay PDEA Director General Aaron Aquino, hindi naman lahat ng mga nasa narco-list ay tatakbo sa May 14 barangay elections.

Samantala, sinabi naman ng Department of Interior and Local Government (DILG) na sasampahan nila ng kaso ang lahat ng mga opisyal ng barangay na sangkot sa iligal na droga.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.