PNP, nakaalerto na sa mga nakaambang kilos-protesta sa May 1

By Angellic Jordan April 29, 2018 - 10:46 AM

file photo

Nakaalerto na ang Philippine National Police (PNP) sa mga ikakasang kilos-protesta para sa pagdiriwang ng Araw ng Paggawa sa May 1.

Sa isang panayam, sinabi ni PNP chief Director General Oscar Albayalde, inaasahan na ng pulisya ang kaliwa’t kanang protesta kung kaya’t handa na aniya ang kanilang hanay lalo na sa National Capital Region (NCR).

Batay sa inilabas na pahayag ng Kilusang Mayo Uno at Sentro ng mga Nagkakaisa at Progresibong Manggagawa, aabot sa 150,000 na katao ang makikilahok sa gagawing protesta sa May 1.

Sa ngayon, sinabi ni Albayalde na wala pa silang nakukuhang impormasyon ukol sa nasabing bilang.

Gayunman, tiniyak ni Albayalde na nakataas pa rin ang maximum tolerance sa mga pulis.

Hinikayat rin ni Albayalde ang mga militanteng grupo na gawing matiwasay at walang mangyaring sakitan.

TAGS: Araw ng Paggawa, kilos-protesta, PNP, PNP chief Director General Oscar Albayalde, Araw ng Paggawa, kilos-protesta, PNP, PNP chief Director General Oscar Albayalde

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.