Singaporean Prime Minister nagbabala sa cyberattack at ISIS sa Southeast Asia
Nagbabala si Singaporean Prime Minister Lee Hsien Loong sa mga lider na lumahok sa Association of Southeast Asean Nations (ASEAN) Summit na nananatili ang banta ng ISIS sa rehiyon.
Ayon kay Lee, sa ngayon ay mapayapa ang Southeast Asia ngunit mayroon pa ring banta mula sa ISIS na kailangang bantayan ng lahat ng nasyon.
Aniya pa, bukod sa ISIS ay mayroon pang ibang mga banta kagaya ng terorismo at cyberattacks.
Kaya naman upang mapagtibay ang laban kontra terorismo ay nagkasundo ang mga ASEAN leaders na simulan na ang pag-uusap tungkol sa ASEAN-wide extradition treaty.
Samantala, nagkasundo rin ang mga lider ng ASEAN na paiigtingin nila ang mga hakbang para maisapinal na ang free trade zone na tatawaging Regional Comprehensive Economic Partnership kung saan 16 na mga bansa, kabilang ang China at India, ang magtutulungan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.