Deployment ban sa Kuwait, permanente nang ipapatupad – Duterte

By Rhommel Balasbas April 29, 2018 - 04:18 AM

Matapos makabalik mula Singapore ay sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na permanente nang mananatili ang deployment ban sa Kuwait.

Sa press briefing sa Davao City, sinabi ni Duterte na hindi na magpapadala pa ang Pilipinas ng mga manggagawa sa naturang bansa partikular ng mga domestic workers.

Muling hinimok ng pangulo ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs) partikular ang mga domestic helpers na bumalik na ng Pilipinas.

Ipinagmalaki ng pangulo na may ilang posibleng destinasyon para sa mga manggagawa tulad ng bansang China na mangangailangan umano ng higit-kumulang 100,000 English Teacher.s

Ipinagmalaki rin ni Duterte ang gumagandang ekonomiya ng bansa at sinabing maaaring mangailangan ang Pilipinas ng mas maraming manggagawa dahil sa economic policy ng administrasyon na ‘Build Build Build’ program.

Aminado si Duterte na magiging mahirap sa una ang sitwasyon ngunit umaasa anya siya na magiging maganda rin ito kalaunan.

Nanawagan ang pangulo sa mga employers sa Kuwait na itigil ang pang-aabuso sa mga Pinoy workers na magdedesisyong manatili sa kanilang bansa.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.