Plano ni Pang. Duterte na pumunta sa Benham Rise binatikos ng isang mambabatas
Tinawag na ‘for show’ lamang ng isang mambabatas ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na bibisitahin niya ang Benham Rise o Philippine Rise para igiit ang karapatan ng Pilipinas sa pinag-aagawang teritoryo.
Sa isang pahayag, sinabi ni Magdalo partylist Representative Gary Alejano na ang hindi sapat na pumunta lamang ang pangulo sa Benham Rise upang igiit ang karapatan dito ng bansa, lalo na’t wala namang isyu sa lugar sa ngayon.
Ani Alejano, ang assertion ng pamahalaan sa Benham Rise ay dapat makita sa salita, sa gawa, at sa iba pang mga effort.
Ayon pa kay Alejano, isa lamang pagpapanggap na mayroong malasakit ang pangulo kaya siya bibisita sa Benham Rise; dahil sa katunayan umano ay nagpapasakop si Duterte sa China.
Samantala, mangilang beses nang sinabi ng pangulo na tanging mga Pilipino lamang ang mayroong karapatang gumamit ng anumang resources na makukuha sa Benham Rise.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.