Barangay officials na walang ginawang kampanya kontra droga kakasuhan ng DILG
Mahigit sa 70 Barangay officials ang nahaharap sa kasong administratibo dahil sa kabiguan ng mga ito na magbuo ng Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC).
Sinabi ni DILG Undersecretary for Barangay Affairs Martin Dino na sasampahan nila ng reklamo sa Office of the Ombudsman ang nasabing mga ospisyal ng Barangay na hindi nakapagsumite ng BADAC report.
Ayon kay Diño, limang taon na ang BADAC na itinatakda aniya ng batas kaya walang dahilan ang sinumang barangay para makapag-comply dito.
Matapos maghain ng reklamo, sinabi ni Dino na ilalabas nila sa Lunes ang listahan ng mga Barangay officials na bigong magbuo ng ganitong konseho.
Sa lunes din inaasahang isasapubliko ng PDEA ang pangalan ng mga Barangay officials na nasa narco list.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.