ITCZ, magpapaulan sa malaking bahagi ng Mindanao ngayong araw

By Rhommel Balasbas April 28, 2018 - 05:49 AM

Bagaman walang posibilidad na magkaroon ng bagyo sa mga susunod na araw ay uulanin ang malaking bahagi ng Mindanao bunsod ng Inter-Tropical Convergence Zone (ITCZ).

Ayon kay PAGASA weather forecaster Obet Badrina, mararanasan ang maulap na kalangitan sa malaking bahagi ng rehiyon na may kasamang pag-ulan, pagkulog at pagkidlat.

Sa Luzon at Visayas naman ay patuloy na mararanasan ang maalinsangang panahon bunsod pa rin ng Easterlies maliban sa mga isolated rainshowers dulot ng localized thunderstorms.

Kahapon, araw ng Biyernes, naranasan ang pinakamataas na temperatura sa Cabanatuan, Nueva Ecija sa 38.1 degrees Celsius habang ang pinakamataas na heat index ay naranasan sa Dagupan City, Pangasinan sa 45.9 degrees Celsius.

Muling nagpaalala ang weather bureau sa publiko na mag-ingat sa maiinit na lugar at palagiang pag-inom ng tubig dahil magpapatuloy umano ang mainit na panahon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.