Rain or Shine wagi kontra Alaska sa 2018 PBA Commissioner’s Cup
Hindi nagpatinag ang Rain or Shine sa challenging na overtime game kontra Alaska sa laban nila kagabi sa 2018 PBA Commissioner’s Cup sa Smart Araneta Coliseum.
Wagi sa iskor na 109-103 ang Rain or Shine sa pangunguna ni Reggie Johnson na may 32 points at 22 rebounds at Chris Tiu na nagtala ng 18 points, six assists at three rebounds.
Tie sa 94-94 ang dalawang koponan sa pagtatapos ng 4th quarter.
Ito ang unang panalo ng Elasto Painters sa serye ng torneo.
Nanguna naman para sa Aces si Antonio Campbell na nagtala ng 40 points.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.