Grupong Abba, muling nagrecord ng kanta matapos ang 35 taon

By Rhommel Balasbas April 28, 2018 - 02:36 AM

Inanunsyo ng legendary disco group na Abba ang muli nilang pagsasama-sama para muling magrecord ng mga bagong awitin matapos ang 35 taon.

Ang naturang grupo ang nasa likod ng mga sikat na kantang “Mamma Mia”, “Dancing Queen”, “Super Trouper” at “Waterloo”.

Ayon sa grupo, naramdaman nilang magiging masaya kung muli silang magsasama-sama matapos ang napakatagal na panahon.

Dalawang bagong kanta ang kanilang ini-rekord kung saan ang isa sa mga ito ay may pamagat na “I Still Have Faith In You”.

Mahigit na 400 million albums ang naitalang naibenta ng Abba at huling nagkasama-sama sa isang entablado mula pa taong 1986.

Ayon sa grupo, nanatili ang kanilang ‘wonderful chemistry’ at tila parang hindi sila nalipasan ng panahon.

Binubuo ang grupo nina Agnetha Faltskog, Bjorn Ulvaeus, Anni-Frid Lyngstad at Benny Anderson.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.