Mga kandidato na sangkot sa droga huwag iboto ayon sa Malakanyang

By Marilyn Montaño April 28, 2018 - 01:59 AM

Hinimok ng Malakanyang ang mga boboto sa May 14 Barangay at Sangguniang Kabataan elections na huwag suportahan ang mga kandidato na sangkot sa iligal na droga.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, inutusan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Philippine Drug Enforcement Authority na ilabas ang listahan ng mga opisyal ng barangay na dawit sa droga.

Layon anya ng hakbang na makunsidera ng mga botante ang narco-list sa kanilang pagpili ng ibobotong kandidato.

Iginiit pa ng palasyo na tama ang paglalantad sa mga kandidato na may kuneksyon sa kalakalan sa ipinagbabawal na gamot.

Una nang sinabi ng PDEA na mayroong 211 barangay officials na nasa listahan at ilalabas nila ito sa susunod na mga araw.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.