Ely Pamatong at Ninoy Definio, tatakbo ding pangulo

By Ruel Perez October 12, 2015 - 07:35 AM

Nuisance
MJ Cayabyab and Ruel Perez photos

Muling naghain ng kaniyang Certificate of Candidacy (COC) sa pagka-pangulo si Usaffe founder Atty. Ely Pamatong.

Bagaman ilang nagdaang eleksyon na ring naideklarang nuisance candidate ng Comelec, muling susubok ngayon si Pamatong.

Bago ang pormal na paghahain ng COC, nagsunog ng bandila ng China si Pamating at kaniyang mga tagasuporta.

Ayon kay Pamatong kasama sa kaniyang plataporma na maibalik sa Pilipina ang teritoryo na inagaw ng China.

At nang tanungin kung paano niya magagawang ibalik ang teritoryo, sinabi ni Pamatong na gagawin niyang sundalo ang lahat ng Filipino.

Samantala, isang Ephraim ‘Ninoy’ Definio ang maaga din sa Comelec para maghain ng COC sa pagka-pangulo.

Nakasuot ng pulang long sleeves, pantalon, at army boots, kulay brown na suit at naka-cowboy hat, nang dumating sa Comelec si Definio para maghain ng COC sa ilalim aniya ng Mindanao Federal Party.

Plataporma naman ni Definio na itigil ang korapsyon sa gobyerno at irespeto ang karapatan ng mga taga Mindanao.

TAGS: ElyPamatong, NinoyDefinio, ElyPamatong, NinoyDefinio

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.