MMDA magpapatupad ng partial closure sa Concordia Bridge sa Paco, Maynila
Isasailalim sa pagkukumpuni ang Concordia Bridge sa Paco, Maynila.
Ayon sa Metropolitan Manila Development Agency (MMDA) magpapatupad sila ng partial closure sa nasabing tulay mula sa May 1.
Sa pagtaya ng MMDA, tatagal ng walong buwan ang ipatutupad na partial closure.
Sinabi ni MMDA Deputy Chairman Frisco San Juan noon pa dapat sumailalim sa repair ang tulay na nasa kahabaan ng Quirino Avenue.
Ipinag-utos na ng MMDA sa kanilang Special Operations Task Group ang pagsasagawa ng clearing operations sa mga daanan sa palibod ng tulay na maaring magamit bilang alternatibong ruta ng mga motorista.
Unang isasara ang southbound lane ng tulay kaya magpapatupad ng two-way traffic sa northbound.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.