Cameo role sa “Crazy Rich Asians” idinepensa ni Kris Aquino; tanong ng netizen kung siya ay “extra” lang, sinagot ng aktres
Pinatulan na naman ni Kris Aquino ang isa niyang follower sa kanyang Instagram account.
Inusisa kasi ng netizen kung bakit hindi nakita si Kris sa trailer ng hollywood movie na “Crazy Rich Asians.”
Dito ay tinanong si Kris kung extra lang ba siya sa nasabing pelikula na ibinabandera niya noon sa mga publicity.
Nag-reply naman si Kris sa netizen at sinabing nauna na niyang ini-announce na mayroon siyang five-minute exposure sa nasabing pelikula at ginagampanan niya ang isang prinsesa.
Gayunman, binigyang-diin nito na bahagi naman siya ng kasaysayan lalo’t ito ng kauna-unahang hollywood movie na “non-perion,” at all asians ang cast.
Nilagyan din niya ito ng hashtag na “Proud to represent the Philippines.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.