ES Medialdea itinalagang caretaker habang dumadalo sa ASEAN Summit si Pangulong Duterte
Si Executive Secretary Salvador Medialdea ang magsisilbing caretaker ng pamahalaan habang si Pangulong Rodrigo Duterte ay nasa Singapore para dumalo sa 32nd Association of Asian Nations (Asean) Summit.
Ang Special Order No. 371 na nilagdaan ng pangulo ay inilabas ng Malakanyang Biyernes ng umaga.
Nakasaad sa kautusan na magsisilbing OIC si Medialdea para pamahalaan ang araw-araw na operasyon ng Office of the President at upang mangasiwa sa general administration ng Executive Department.
Umalis ang pangulo patungong Singapore Huwebes ng gabi. Babalik naman siya sa bansa bukas, araw ng Sabado.
Maliban sa pagdalo sa summit, magkakaroon din ng bilateral meeting ang pangulo kay Singapore Prime Minister Lee Hsien Loong at “pull-aside meeting” kay President Joko Widodo ng Indonesia.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.