7,700 na pulis magpapatupad ng seguridad sa gaganaping ADB meeting
Aabot sa 7,700 na mga pulis ang itatalaga ng Philippine National Police (PNP) para magbigay ng seguridad sa taunang high-level meeting ng Asian Development Bank (ADB) na gaganapin sa Pasig City sa susunod na linggo.
Ayon kay PNP deputy chief of operations Deputy Director General Fernando Mendez ang mga pulis ay ipakakalat sa Metro Manila para matiyak ang seguridad sa ADB Board of Governors’ Annual Meeting 2018 na gagawin sa Ortigas sa May 2 hanggang 6.
Ilang buwan nang pinaghahandaan ng PNP ang nasabing pulong at bumuo ng Special Task Force ADB Manila 2018 para sa seguridad ng mga delegado.
Kanina, isinagawa ang send-off ceremony sa 7,700 na mga pulis.
Ayon kay Mendez nasa 67 finance at economic ministers mula sa iba’t ibang mga bansa kasama ang 3,000 pang mga delegado, international media, at private business visitors ang dadalo sa five-day meeting.
Kabilang sa banantayang mga lugar ang Pasig, Makati, at Taguig.
Ito na ang ikatlong pagkakataon na ang Pilipinas ang magsisilbing host sa taunang ADB meeting.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.