Japanese landing ship nasa Maynila para sa isang port visit
Dumating sa Maynila para sa tatlong araw na goodwill visit ang Japan Maritime Self-Defense Force (JMSDF) vessel JS Osumi.
Lulan ng barko ang nasa 150 officers at crew sa pangunguna ni Capt. Tomonoro Kobayashi.
Huling nasa bansa ang JS Osumi noong 2013 upang tumulong sa Humanitarian Assistance and Disaster Relief Operations para sa mga naapektuhan ng Supertyphoon Yolanda.
Pinangunahan nina Captain Dennis Rommel Quines at Vice Admiral Robert Empedrad ang delagasyon ng Pilipinas sa isinagawang welcome ceremony.
Ayon kay Captain Lued Licuna, Director ng Naval Public Affairs Office layon ng goodwill visit na palakasin ang ugnayan ng Philippine at Japanese Navy.
Magtatangal ang JS Osumi sa bansa hanggang bukas, araw ng Sabado, April 28.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.