Kim Jong Un nakaalis na ng NoKor para dumalo sa makasaysayang Intra-Korea Summit

By Donabelle Dominguez-Cargullo April 27, 2018 - 07:27 AM

Isasagawa na ngayong araw ng Biyernes ang makasaysayang Intra-Korea Summit kung saan maghaharap at magpupulong ang dalawang lider ng North Korea at South Korea.

Tatawid sa militarized border si North Korean Leader Kim Jong Un para dumalo sa summit kasama si South Korean President Moon Jae-in.

Sa pinakahuling ulat, nakaalis na ng NoKor si Kim at siya ay personal na sasalubingin ni Moon sa military demarcation line alas 9:30 ng umaga oras doon.

Ito ang magiging kauna-unahan sa kasaysayan na ang lider ng North Korea ay tutuntong sa South Korea mula noong 1950 hanggang 1953 Korean war.

Mayroon South Korean honor guards na aalalay sa dalawa sa magaganap na official welcoming ceremony bago umpisahan ang dayalogo alas 10:30 ng umaga sa Peace House na isang gusali ng South Korea sa loob ng border truce village na Panmunjom.

Umaasa naman ang South Korea na sa magaganap na pagpupulong ay kukumpirmahin mismo ni Kim na ititigil na ng Pyonguang ang nuclear activities nito.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: intra-Korea Summit, Kim Jong un, Moon Jae In, north korea, south korea, intra-Korea Summit, Kim Jong un, Moon Jae In, north korea, south korea

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.