Commercial building sa Sta. Cruz, Maynila nasunog; 2 ang patay

By Justinne Punsalang April 27, 2018 - 06:25 AM

(UPDATE) Dalawa ang nasawi sa sunog na sumiklab sa isang commercial-residential building sa Barangay 365, Sta. Cruz, Maynila.

Unang iniulat na nawawala ang sa nasabing sunog ang tatlong katao kabilang sina Jasmine Luna at Zaldy Luna at si Lito Homeres.

Dalawa sa kanila ang natagpuan na habang pinaghahanap ang isa pa.

Umabot sa ikalawang alarma ang sunog at idineklarang fire under control bandang alas-4:07 ng umaga.

Alas-4:30 naman nang biglang lumakas ulit ang apoy.

Ayon sa mga residente, bago sumiklab ang apoy ay nakarinig sila ng isang malakas na pagsabog.

Mabilis na kumalat ang apoy dahil may kalumaan na ang gusali at may mga nakaimbak ditong kurtina, linoleum, at styrofoam.

Sa ngayon ay inaalam pa ng mga otoridad ang pinagmulan ng sunog at kung magkano ang kabuuang pinsala na dulot nito.

Kasabay sa pag-apula ng sunog ay ang paghahanap sa tatlong nawawalang residente.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: fire, fire incident, Radyo Inquirer, sta cruz manila, fire, fire incident, Radyo Inquirer, sta cruz manila

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.