2nd Mamasapano report, ipinagtanggol ni De Lima

By Kathleen Betina Aenlle October 12, 2015 - 04:30 AM

 

Inquirer file photo

Basahin muna ang ikalawang Mamasapano report bago manghusga.

Ito ang iminungkahi ni outgoing Justice Sec. Leila de Lima sa lahat ng mga bumabatikos sa imbestigasyon ng Department of Justice (DOJ) sa Mamasapano massacre.

Naglabasan ang mga pambabatikos matapos ilabas ng kagawaran ang ikalawang report nila sa Mamasapano incident nang wala man lang inirekomendang makasuhan para sa pagkamatay ng siyam na miyembro ng 84th Seaborne ng police Special Action Force (SAF).

Isa sa mga kumukuwestyon sa nasabing report ay si dating SAF director Getulio Napeñas na sinabing pinagkakaitan umano ng hustisya ng DOJ ang siyam na commandos ng SAF.

Dito na naglabas ng reaksyon si De Lima at sinabing dapat basahin muna ng mga kritiko, kabilang na si Napeñas, ang kabuuan ng kanilang ikalawang report bago sila manghusga.

Naniniwala kasi si Napeñas na iisang grupo lamang ang pumatay sa siyam na mandirigma at sa 35 na iba pang kabilang naman sa 55th Special Action Company.

90 mga miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF), Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) at pribadong armadong grupo ang nauna nang nakasuhan ng direct assault with murder dahil sa pagkamatay ng 35 mandirigma.

Iginiit naman ni De Lima na kaya wala silang nakasuhan ay dahil wala naman silang nakuhang mga testigo sa pagkamatay ng siyam na mandirigma at hindi naman sila puwedeng mag-imbento ng resulta ng imbestigasyon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.