Davao Oriental, niyanig ng halos magkasunod na lindol
Niyanig ng halos magkasunod na lindol ang lalawigan ng Davao Oriental kaninang madaling araw.
Naitala ang unang pagyanig na may lakas na magnitude 3.5 sa bandang ala- 1:34 ng madaling araw sa layong 184 kilometro sa bayan ng Tarragona.
May lalim itong apat na kilometro.
Samantala, alas-2:07 ng madaling araw naman ng makaranas ng magnitude 3.7 na pagyanig sa layong 210 kilometro sa bayan pa rin ng Taraggona.
May lalim naman itong 47 kilometro.
Parehong tectonic ang dahilan ng paglindol at hindi naman inaasahan ang kasunod na mga pagyanig at pagkasira sa mga ari-arian.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.