DND, bibili ng karagdagang anim na eroplano

By Kathleen Betina Aenlle October 12, 2015 - 04:23 AM

 

UntitledNgayong araw nakatakdang buksan ng Department of National Defense (DND) ang bidding para sa bibilhing anim na close air support aircrafts.

P4.9 bilyon ang nakalaan para sa pagbili ng mga ito na magbibigay suporta sa infantry at naval units ng Armed Forces of the Philippines (AFP) bilang bahagi ng patuloy na modernization program nito.

Kabilang sa mga specifications ng aircraft ay ang dual tandem seating, carrying capacity na 3,000 lbs na may limang hard points, at dalawang built in na .50 caliber guns.

Matatandaang noong Mayo pa inilabas ng DND ang invitation to bid ngunit itinigil muna ito para hintaying maaprubahan ni Pangulong Benigno Aquino III.

Samantala, may anim na kumpanya na ang nagpahiwatig ng pagnanais na makasama sa bidding para sa pagbili ng mga nasabing aircraft.

Ito ay ang Embraer Asia Pacific mula sa Brazil, Beechcraft Defense co. at IOMAX USA Inc. na parehong naka-base sa Amerika, Korea Aerospace Industries, European Aeronautic Defense and Space Co. – Construcciones Aeronautics SA (EADS-CASA) Airbus Defense and Space, at Elbit Systems mula sa Israel.

Inaasahang maipapadala na ng mananalong bidder ang mga aircrafts sa loob ng 540 araw mula sa pagkatanggap nito ng notice to proceed.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.