Samal kidnappers, wala pa ring hinihinging ransom

By Kathleen Betina Aenlle October 12, 2015 - 04:19 AM

 

Mula sa Eastmincom

Wala pa ring natatanggap na impormasyon ang Moro National Liberation Front (ICC-MNLF) na mayroon nang hinihinging ransom ang mga dumukot sa tatlong dayuhan at isang Filipina sa Island Garden City of Samal.

Ayon kay Habib Hashim Mudjahab, pinuno ng ICC-MNLF, hindi pa nila ito makukumpirma dahil wala naman silang natatanggap na impormasyon kaugnay dito.

Aniya, sinusubukan na rin nila itong kumpirmahin sa kanilang mga kasamahan sa Sulu ngunit dahil sa hina ng signal, nahihirapan silang gawin ito.

Sa kabila nito, ayon kay Professor Octavio Dinampo ng Mindanao State College na naka-base sa Sulu, nakakuha siya ng impormasyon mula sa kaniyang mga sources doon na humihingi ng 50 milyong pisong ransom ang Abu Sayyaf.

Tinukoy pa nito ang isa sa mga suspek bilang si Alhabshi Maasi na isang miyembro ng Abu Sayyaf group na pinamumunuan ni Albader Parad.

Ngunit si Parad ay matagal ng patay kaya’t ang impormasyong ito ni Dinampo ay bineberipika pa ng militar.

Dagdag pa ni Dinampo, isang asset ng militar si Maasi na nanumpa sa MNLF higit tatlong taon na ang nakalilipas.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.